Monday, October 29, 2012

TAGAYTAY!

spent the holiday weekend at tagaytay with family! maka-english lang!! haha! pero seryoso, nag-tagaytay nga kami nung holiday dahil sa Eid'l Adha. grabe sobrang lamig! la lang. hahaha! cuddle weather hihihihi

share ko lang ang mga ganap thru pictures :)

so una, stopover muna kami sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna para lumafang tska picture picture na rin. 
obviously, sa Crisostomo kami kumain. now ko lang siya na-knows kasi pang mainstream level ang lafang ko. hahaha! pero keri naman, mej masakit lang sa bulsa. hahahaha! paminsan minsan di naman siguro masama maglaspag ng pera. chos! 




dahil halloween season, props props din! 


ganda ng table setting! :) 

ansabe ng chandelier nila! blue! love it! hahaha!

family pic!! kasama namin gf ng kuya ko, si Timmy :) 

platter ng sauce. pakarami. hahaha! di ko naman na-avail lahat kasi di ko kilala. hahaha! tsaka di ko alam kung para san na yung iba  


ang ulam namin. bow. tinolang manok. na may pandan? nakalimutan ko na kung ano ung exotic ingredient na nilagay dyan hahaha!

bongga nito! platter ng ulam!! heaven! bangus belly, pusit, oyster, talong, liempo, barbeque, chicken!

dahil idol ko si Adam Richman sa Man Vs Food, avail ko ang oyster! hahahaha! sapat na ang isa para sakin! ayaw ko na magpart 2!! hahaha!

pasyal pasyal din pampababa ng kinain. yung Nuvali, it's like a community being developed pa. parang Eastwood or Tiende siya kasi may mga kainan tas meron ding shops/stores.  


may lake din siya! ewan ko lang kung man-made ito or nature-made. hahaha


pwede magpakain ng fish pero may bayad syempre 



ang lawak ng place, infairness


may rob supermarket nearby! hahahaha wala lang :)) 

so okay gora na kami sa tagaytay talaga. 

Filitico Bed and Breakfast yung pangalan ng pinag-stay-an namin. 2-star lodge lang siya pero keri na, mura na, komportable pa ang kama at malinis ang banyo! hahaha! wala silang website so sorry na lang, walang free promotion hahahaha kapal ko :))

may pool pa! pero magkaka-hypothermia ka muna bago ka makapag-check out dito. charing!!! sobrang lamig lang talaga ng panahon nung nagpunta kami + yung pool, hindi makatao ang lamig! hahahaha! 




pasyal pasyal munaaa! People's Park in the Sky!





hahahaha sorry, gusto ko lang talaga i-post tong pic na to. :P

yung ulap abot kamay naaaa!

happy halloween hahaha!

jumpshot di naman sabay sabay tumalon. hahaha!

ba-bye people's park! :) 

Picnic Grove naman! turista lang! hahaha! pero di ko naman first time dito no!! :P



annoying bradeeer :P 







pagbalik namin sa lodge, prepare-prepare din ng dinner. :P taggutom na.

okay, so bonggang blurred na yung pictures kasi mabagal ung shutter speed and mataas ung ISO dahil gabi na eh since hawak lang ng kamay ko ang camera, at pasmado, hahahaha gagalaw at gagalaw talaga ang kamay ko. todo explain naman ako dito. :))) basta blurred, sorry naman! :P

napakalamig. bow.


see you another time, tagaytay! :* sana kasama ko na si D next time. HAHAHAHAHAHA