Friday, May 10, 2013

Candice's 21st

bespren! 21 years old ka na. matanda ka na pero ang height...pang 12 years old!! hahaha! sana masaya ka sa surprise namin. sana nasurprise ka nga! hassle bumyahe. haha! sarap kumain sa bahay niyo. salamat ng marami kay mama candice! 

sa apat na taong pagkakaibigan natin......hate ko pa rin school mo nung hs. hater much pa rin ako. hahaha pero keri lang since naging friend naman kita at bespren pa. di ako makapaniwala nag-click tayong dalawa at ang dami nating memories together. sana mas tumagal pa friendship natin kahit graduate na tayo at feel ko minsan-minsan na lang tayo magkikita huhuhu. namiss ko makipagchikahan sayo. namiss ko manlalait at mangutya kasama ka. hahahaha ang sama talaga ng ugali mo bespren pero lab na lab kita! ayiiieeeee. 

okay tama na masyado na ko sweet. :))







HAPPY BIRTHDAY! :)