Sunday, September 13, 2015

Paano?

Gusto kita. Gusto mo ako. Simple lang. Walang kumplikasyon. Pero baka dahil sa sobrang simple nyan, magkaroon ng kumplikasyon.

Tulad ng...

Paano... e hindi naman tayo?
Ano... hanggang saan 'to?
Mahal mo ba? Mahal ko ba?
Masaya tayo oo. Pero... tapos ano?

Minsan kausap ko yung pa-deep kong kaibigan. Usapan namin tungkol sa relasyon. Kung paanong nauuso sa panahon ngayon yung dating na relasyon. Yung tipong magkakakilala kayo, tapos labas labas (dinner, inom, movie, out of town) sa mga unang linggo, o buwan. Unti-unti, magiging intimate. Nag-ho-holding hands. Nagyayakapan. Exclusive na. Naghahalikan. Pero hindi pa talaga kayo. Magtatabi sa kama tapos boom. Pero hindi pa kayo. Hanggang sa magkakasawaan. O siguro dahil nagkatabi na sa kama kaya nagkawalaan na ng gana. Hindi naman kasi kayo e. Wala ka naman pinanghahawakan. Wala namang label.

Tapos, may makikilala ka ulit na bago. Repeat stanza.

Yung kaibigan kong yun, may pamilya na siya. Hindi niya pinagdaanan yung ganyang dating na eksena. Kasi long-term jowa niya yung asawa niya ngayon. At fyi, masaya naman sila today.

Naiimbyerna lang siya kasi hindi niya maintindihan yung konsepto nun. Nagsasayangan lang ng panahon ang mga tao. Exclusive nga pero hindi naman pala kayo. Bakit pa exclusive? At lalo siyang naiimbyerna kapag may nangyari na. Tapos biglang hindi na mag-uusap. What's the point daw.

Dami niyang kuda. Sabi ko na lang...

I never imagined myself to venture in this kind of relationship.

Monday, August 17, 2015

Para Kay Jojo

Hi Jojo!

Bente dos na ko pero pakiramdam ko trese lang ako sa pagkahumaling ko sa'yo.

Bente dos na ko pero para akong elementary sa sobra kong pagka-crush sayo. Hihihi

Bente dos na ko pero para akong hayskul kung kiligin sa tuwing maririnig ko pangalan mo o kaya sa tuwing makikita kita sa pila ng FX. Lalo na kung makakasabay kita sa FX tapos katabi pa kita. Ayyyyy!

Oh, Jojo...

Pero mailap ang tadhana (wow, tadhana big word!).

Sa tuwing makikita kita kapag nasa pilahan ako ng FX, hindi ka naman pumipila kasi mahaba na yung pila. Minsan pumipila ka pero di tayo nagkakasabay sa isang FX. Hanggang tingin na lang ako.

Sa tuwing makikita kita sa paborito nating inuman sa Makati, hanggang tingin na lang din ako. Palagi mong kasama yung mga katrabaho mo, puro kayo lalaki. Hanggang tingin ka lang din kaya ang lakas ng loob ko mag-inarte na type mo rin ako. Eh ang mga kasama ko puro bakla kaya feeling ko trip mo talaga ako. Nalaman ko nga lang pangalan mo kasi napagkasunduan namin ng ka-trabaho ko na tatanungin ka niya kapag nagpang-abot tayo sa inuman spot na 'yun. Pero mula nun, hindi mo naman na ako pinansin pa. At wala akong lakas ng loob para lumapit sayo. 

Sa tuwing mauudlot ung pagpila mo sa pilahan, palagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko na.... "Sa susunod na pumila siya, kakausapin ko na siya..."

Pero kanina.... pauwi na ko galing trabaho sa Makati. Nakapila ako. Paglingon ko nang slight, naaninag ko ikaw yun! Kibit-balikat lang ako. Ayoko mapansin mo na nakita kita at baka mag-blush ako (kahit gabi na 'yun at madilim na). Pero nung may dumating na FX (Revo, in particular), sumakay ako sa likod. Sumakay ka rin! Tinabihan mo pa ako! Pucha! Kilig to da bones!

Pagkakataon ko na! Para chikahin ka. Para magpapansin. Ang lakas ng loob ko kapag nagkukwento ako sa mga kaibigan ko. Pero habang nasa loob tayo ng FX....parang hindi ko yata kaya. Ang awkward pala. Buti na lang naka-earphones ka at may pinapanood kang kung ano sa cellphone mo--nang hindi mo mapansin na kinikilig ako habang katext ko mga katrabaho ko at binabalita ko sa kanila na "Katabi ko si Jojo sa FX!!!!" Ganyan.

Pero hanggang sa bumaba tayo sa lugar natin, hindi naman tayo nagkausap. Nauna kang bumaba kasi nasa may pinto ka. Akala ko hihintayin mo ko makababa tapos ikaw magsasara nung pinto kasi alam ko na alam mong parehas tayo ng bababaan. Pero.... nganga, teh. Iniwan mo ko dun. Ako nagsara. Ni hindi ka nga lumingon eh. Kahit man lang bilang lalaki, hindi mo ko pinagsarhan ng pinto.

Kaya ang tanong ko...

Bading ka ba?


Saturday, August 8, 2015

Midyear 2015

Kalahating taon na pero parang napakarami ko ng naranasan sa taon na to. 

Sinubok ng panahon, pinatatag ng karanasan.

Ang panget ng pasok ng taon na 'to para sa'kin. Wasak na wasak ako nun. Ginapang ko ang araw-araw. Kumayod ako gabi-gabi. Nilunod ko lahat ng lungkot sa alak; kaya lang sa kasamaang-palad, natuto silang mag-swim.

Unti-unti, yung mga white blood cells ko lumaban.

Aaminin ko, bumagsak yung performance ko sa trabaho. Pero bumawi ako.
Aaminin ko, hindi ko na-ko-kontrol sarili ko sa inuman at umuuwi akong bagsak. Pero bumawi ako.
Aaminin ko, nawalan ako ng oras sa pamilya ko, dumalas yung pag-gimik ko. Pero bumawi ako.
Aaminin ko, napabayaan ko ang sarili ko. Pero bumawi ako.
Aaminin ko, muntik na kong tumiklop at tumambay sa nakaraan. Pero bumawi ako.

Binago ko ang tingin ko sa buhay. Kinilala ko ang sarili ko. Sinubukan ko kung hanggang saan ang kaya ko. Lumabas ako sa kahon na kay tagal kong ginawang tahanan. Unti-unti, may mga binago sa pisikal na anyo. Nagpakulay ako ng buhok kahit alam kong nakakasira ito ng hair. Nagpadagdag ako ng butas sa tenga. Nagpapayat. Nagpa-tattoo.

Pero hindi ibig sabihin nag-rebelde ako. Mas nagkaroon ako ng oras sa pamilya. Sa sarili ko. Nagagawa ko na yung mga hindi ko magawa dati. Ang daming nagbago. Kung dati, yung attitude ko medyo "walang pakielamanan ng trip", ngayon naging "I don't give a fuck". Hahaha! Medyo parehas lang pero iba yung dating kapag English. Hihihi

Marami na rin akong nakilalang bagong tao. Yung iba okay naman; yung iba okay na okay; at may ibang hindi masyadong okay. Pero ayos lang yun. Shit happens talaga.

So ayun na nga. Midyear na. Lapit na mag Pasko. Pero birthday ko muna. Hihihi

Sunday, June 21, 2015

Gratitude

Maraming nagtatanong kung bakit mo pinalaya.
Maraming nagtataka kung paano mo nagawang mang-iwan.
Maraming hindi makapaniwala sa nangyari.

Pero...

Maraming gustong magpasalamat sa'yo.

Thursday, June 18, 2015

4.26.2015

I was at a lost for words.
My heart was torn into pieces,
I couldn't get everything back into place.
Some say sad people make the greatest writer--
I couldn't agree.
I was so sad-- screaming at the moon,
cursing the sun, wallowing in pain.
Yet I couldn't write.
How sad should I be to write again?

Sunday, June 14, 2015

Breathe

Hindi na tayo bata para maglaro;
Hindi na tayo mga musmos na walang alam sa mundo;
Malaki na tayo, matanda na tayo.
Alam na natin ang totohanan sa laro laro lang.

Hindi 'to kwento ng One More Chance
Na maghihiwalay tayo at magkakabalikan dahil sa isa pang chance.

Hindi rin 'to Starting Over Again
Na magkikita tayo ulit para magkaroon ng Closure.

Mas lalong hindi 'to A Very Special Love
Na may dalawa pang sequel pagkatapos at nauwi din sa kasalan.

Ito ang totoong buhay.

Nagsimula sa Hi.
Inaraw-araw ang usap at text.
Nagka-mabutihan ang kalooban.
Nagka-aminan.
Pero mauuwi rin sa malamig na hiwalayan.

Araw-araw na pag-iyak.
Gabi-gabi na pag-a-alak.

Hindi na tayo bata.
Matanda na tayo.

Hindi na tayo bata na nag-hu-hulaan ng damdamin.
Hindi na tayo bata na kailangan pang magpa-liguy-ligoy.
Matanda na tayo--nasa tamang pag-iisip na para magbitiw ng mga salita
Mga salitang hindi dapat pinaglalaruan.

Wednesday, May 20, 2015

Even the best fall down sometimes

As I stare out the window,
I was embraced by your cold shadow.
I shivered; reminisced about your warm caress
Only to wake up from this sweet stress.

Thirty years from now will you still think of me?
Of how we used to walk through the streets..
Of how our hands stumble upon each other
And find our eyes locked to forever.

Maybe this is not our time, nor yet the time
Maybe the ocean will soon dry
Maybe the birds will soon walk
Maybe the magic has lost it's spark
Maybe the ghost has come alive
Maybe our love was meant to stay in the past.