Sunday, June 10, 2012

Too tired to cry.

Sa bawat kaluskos, may kabiyak itong ungol na pilit inililihim sa mga kalapit-bahay.
Tila apoy na nagngangalit ang umaapaw sa mga balat na nagdidikit
kahit animo'y bulag na sa kadiliman ng sulok, 
walang humpay ang pagkulog mula sa bibig na uhaw sa halik...

Isang gabi na puno ng pawis at iba pang likidong nagmumula sa katawan,
lilipas ito nang walang salitang lalabas sa mga labi.
Iikot ang mundo nang mabagal...mabagal pa sa haplos na naghahanap ng mapipisil
sa kalagitnaan ng gyera ng dalawang pusong
tinatahak ang marupok na tadhana.

Sisikat ang araw at ito'y dadampi sa talukap ng dalawang nilalang
nalunod sa mala-impyernong kalibugan.
Magigising ang babae; papatak ang likidong
magmumula sa mata, dadaloy sa patay na pisngi,
malalasahan ng makasalanang bibig at lulunukin ng maduming ngala-ngala.


Paunti-unti, madadamitan ang hubad na katawan ng babae
habang ang lalaki ay nahihimlay sa kamang
saksi sa maiinit na kuskusan at mapapait na alugan.
Di matitinag ng sikat ng araw ang kapayapaang
natamasa ng lalaki matapos magpasabog ng bulkan sa dilim ng kweba.


Patuloy ang agos ng luha, tila ilog sa kabundukan ng malayo.
Ang mga hikbi ng dalaga ang simula ng bagong buhay
na uusbong sa sarili niyang sinapupunan...

No comments:

Post a Comment