Past dinner time na ako nakakauwi ng bahay gawa ng klase kong hanggang 7:00pm. Kung minsan, kumakain pa ako ng dinner (kanin + ulam) lalo na kapag wagas na yung kagutuman ko; minsan naman kapag di ako gutom o busy lang talaga, deadskin na ako sa pagkain.
Pero kanina, pagkauwi ko nang bandang mga 8:30, syempre sinilip ko agad yung ulam. Ay isa pa pala un! Kapag di ko bet yung ulam, deadskin na rin ako. hahaha! Mahilig ako mag-inarte eh. hahaha!
So anyway, tinolang manok ang ulam. ehem! Manok yan. Di ako papakabog dyan. Titirahin ko talaga yan! So syempre ayos ayos muna ko ng gamit ko. Lumapit sakin si Mudrakels, at pabulong niyang sinabi na: May baked mac sa ref, initin mo na lang. Ako naman si: Ha? hahaha kaloka kasi si Mudra, bigla biglang nag-o-open ng topic about baked mac. hahaha
Pero ayun, tats ako kasi tinago niya talaga yung baked mac for me. How sweet na hindi niya shinare sa buong pamilya nung nag-dinner sila kanina at sinekreto pa niya para lang ipalamon sa akin. Hmmm, selfish man, sweet pa rin for me hahaha favorite ko kasi pasta e baked mac pangatlo yan sa listahan ng favorite pasta ko (1. lasagna, 2. carbonara, 3. baked mac) =))
Ayun wala lang, natuwa lang ako. Ugali kasi ng nanay ko yun. Kapag meron siyang uwing food na favorite ko, ilalabas lang niya sa bag niya kapag nakauwi na ko. HAHAHAHAHA hay mudra i love you so mats :*
No comments:
Post a Comment