First time ko manood sa sinehan nang mag-isa. Nasa bucketlist ko siya nitong mga nakaraang linggo pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para gawin ito.
Dati, iniisip ko mukha siguro akong tanga kung manonood ako mag-isa. Wala akong mabubulungan ng komento ko; wala akong mahahampas o makukurot pag nakakagulat o nakakakilig yung eksena. Parang ang lungkot. Baka isipin ng ibang tao ay loner o kaya ay wala syang ka-date. Alam niyo naman ang mga tao, echosero't echosera.
Pero nagawa ko.
At okay naman.
Normal naman. Ayos nga e.
Nung umpisa, medyo nag-alangan pa ako kung tama ba yung desisyon ko kasi horror movie pa yung pinili ko. Talaga nga naman. Naghahanap yata talaga ako ng problema. Haha!
Pero.... okay naman. Pag nakakagulat yung eksena, kahit wala akong mahahampas o kurot, magugulat akong parang normal na tao. Pag kadiri yung eksena, imbis na yumakap ako sa katabi at magtago, pwede naman ako pumikit o takpan ko ng sarili kong kamay yung mata ko.
Hindi ko kailangan umasa sa ibang tao kung kaya ko naman pala. #Hugoat
Pero, sabi nga ng title ko, Alone but not lonely--oo mag-isa ako pero hindi ko naramdaman na nag-iisa ako.
Masaya. Masarap sa pakiramdam na kahit papaano, na-i-spoil ko ang sarili ko.
Ngunit hindi sa lahat ng oras ay masaya mag-isa. Syempre, darating yung panahon na kailangan may kasama ka. Hindi lahat ng bagay masaya gawin nang mag-isa. Yung iba kasi mas masaya pag may kasama.
No comments:
Post a Comment