Nung pinanood ko yung That Thing Called Tadhana, damang-dama ko si Mace (Angelica Panganiban). Ramdam na ramdam ko lahat ng hugot niya. Feel na feel ko yung pagka-wasak ko. Parang nginudngod ng movie sa pagmumukha ko yung fact na wala na kami, naglaho na lang lahat, tapos na talaga. Ang sakit nun.
Pero nung pinanood ko naman yung Fifty Shades of Grey, parang gusto ko ulit magmahal. Parang ang sarap kiligin ulit. Namiss ko yung moments na patago ka na lang ngingiti kasi ayaw mong mahalata nung lalake sa harapan mo na gustung-gusto mo siya. Tapos syempre may kaakibat na intimate moments yan. Yun. Nakakamiss din yun.
Hindi ko tuloy alam kung anong gusto kong gawin. Hahaha! Sa isang banda, aaminin ko, nalulungkot pa rin ako. May kirot pa rin. Minsan napapaisip pa rin ako, saan ba ako nagkulang? Ano bang dapat kong ginawa para hindi sana nauwi sa ganito? Pero minsan hinihintay ko na lang matapos yung ganyang tanungan sa utak/puso ko tapos, ngingiti na lang ako. Para kunwari masaya na ako.
Pero gusto ko rin umakyat sa Baguio--parang yung ginawa ni Mace. Tapos sisigaw din ako sa tuktok. Tapos maiiyak. Gusto ko rin yung natulog lang sa damuhan (may nakalatag naman na kumot, syempre). Tapos mag-wi-wish din ako sa shooting star na sana hindi ko na siya mahalin. Tapos pagbalik ko sa bahay nandun siya, humihingi ng tawad, makikipagbalikan. Ay pucha di ko pa kaya.
Pero sa isang banda, gusto ko rin yung naranasan ni Anastasia Steele. First time niya ma-inlove. Kakaibang feeling kaya yun. Tapos napaka-all out ni Christian Grey. Biruin mo, binigyan siya ng Mac na laptop tapos kotse! Pinasakay pa sa helicopter habang nag-ro-"roadtrip" sa himpapawid. Alam ko naman 0.00005 % lang ang chance para makakilala ng ganung klaseng lalake dito sa Pinas, or sa Maynila specifically, pero gets? Yung feeling na sobrang special ka sa isang lalake. Ita-trato ka niyang prinsesa o reyna.
In the end, hindi ko pa rin alam. Nagpapaka-feeling kritiko lang ako. Wasak e.
No comments:
Post a Comment