Kahapon lang--October 8.
Filipino time. We were told to listen to the music (the teacher actually played a lot), but the music's theme was sad, gloomy, and whatever. As we listen, we are supposed to write a Malayang taludturan, meaning a free-flowing write-up/poem, about what we feel right that moment. We weren't actually to focus on the message of the song, rather on what do we feel.
As the first song ended, I thought it was the first and last song to be played. Then came the next song, and the next, and so forth...
Ang bilis kong nakasulat, hindi sa pagmamayabang ah. Kasi, yung pangalawang kanta pa lang, nakapagsimula na ko. It was supposed to be a poem. But I can't make one. So I just write. Anything that pop out on my mind.
Habang nagsusulat ako, na-realize ko tungkol pala sa kanya yun.
Pagkatapos, pinabasa sa'min. Namili siya(yung teacher). Nung tinawag niya ko, tumayo ako. Grabe nung una ayoko talaga kasi parang ang babaw eh. Hindi kasi ganun ka-attractive yung mga words na ginamit ko lalo na Tagalog pa. Tsaka, it wasn't really a poem. Parang Diary entry nga eh. Well, anyway, sabi niya okay lang daw. Kaya sinimulan ko na ang pagbabasa sa harap ng aking mga kamag-aral.
Unang sentence pa lang, nag-tubig na mga mata ko. Nadama ko kaagad yung hapdi na nararamdaman ko habang sinusulat ko yun. Akala ko mapipigilan ko yung pag-tu-tubig ng mga mata ko, nakakahiya naman kasi. Baka sabihin nila ang OA ko.
Sinubukan ko... na patuyuin nang di ko pinapahalata. Pero habang patuloy ako sa pagbabasa, lumabo yung paningin ko. Bakit kamo? Kasi umaapaw na yung luha sa mga mata ko. Tapos biglang pumatak.
Isa.. Dalawa.. Pinunasan ko. Tinignan ko yung guro, natawa ko sa hiya. Sabi niya ituloy ko lang, ayos lang daw.
Sinubukan kong ituloy pero hindi ko na kayang magsalita lalo na kapag umiiyak na ko. Nasa harapan ko pa naman ang buong St. Monica. Nakakahiya. Binigay ko na lang sa guro yung notbuk ko, at siya ang nagpatuloy.
...sa'yo ko natagpuan yung pag-ibig na hindi kumukupas... Pagpapatuloy ng guro.
Aaww.
...pero mukha yatang kumupas na ngayon.
Aaaww.
...Eh anu naman kung kumupas na nga? Wala akong pakialam. Maghihintay ako...
Aaw.
...maghihintay ako.. PERO HANGGANG SA KAYA KO LANG...
Aaaww!
...kaso pagod na yata ako.. PAGOD NA PAGOD...
Aaaawww. . .
Nahihiya ako. Narinig ng buong klase yun. Nalaman nila kung anong nararamdaman ko. Nanatili akong nakaupo at nakinig sa pagbabasa ng sinulat ko. Hanggang sa matapos...
...Paalam na muna sa ngayon...
Aw.
Di ko akalain mag-re-react yung buong klase nang ganun. At di ko inakala na may iilan din palang muntik maiyak.
**************************
Bakit ganun na lang yung pagbuhos ng luha ko kahit nasa harap ako ng maraming tao? Bakit hindi ko napigilan yung sarili ko?
Kasi, dun ko lang nailabas yun. Ni hindi ko pa nga nakakausap tungkol dun yung taong tinutukoy ko. Ang saklap. Ang sakit. Pero nakakatuwa kahit papaano na parang nawala yung pagod ko. Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Gumaan pakiramdam ko--kahit papaano.
Naisip ko, masyado pala kong napuno sa mga nakaraang pangyayari. Masyado pala kong nagkimkim. Nagtiis ako na itago lang yun. Kasi akala ko kaya kong solusyunan. Kasi akala ko mababaw lang na kaya kong baliwalain. Pero sa maraming beses ng pagbabaliwala ko, hindi na pala ganun ka-babaw. Di ko akalain ganun na pala ka-bigat yung dinadala ko.
Sana mabasa 'to. Sana maramdaman mong pagod na ko. Sinabi ko naman sa'yo na para sa'yo yun ah, bakit parang wala lang? Leche ka.
No comments:
Post a Comment