Sunday, September 13, 2015

Paano?

Gusto kita. Gusto mo ako. Simple lang. Walang kumplikasyon. Pero baka dahil sa sobrang simple nyan, magkaroon ng kumplikasyon.

Tulad ng...

Paano... e hindi naman tayo?
Ano... hanggang saan 'to?
Mahal mo ba? Mahal ko ba?
Masaya tayo oo. Pero... tapos ano?

Minsan kausap ko yung pa-deep kong kaibigan. Usapan namin tungkol sa relasyon. Kung paanong nauuso sa panahon ngayon yung dating na relasyon. Yung tipong magkakakilala kayo, tapos labas labas (dinner, inom, movie, out of town) sa mga unang linggo, o buwan. Unti-unti, magiging intimate. Nag-ho-holding hands. Nagyayakapan. Exclusive na. Naghahalikan. Pero hindi pa talaga kayo. Magtatabi sa kama tapos boom. Pero hindi pa kayo. Hanggang sa magkakasawaan. O siguro dahil nagkatabi na sa kama kaya nagkawalaan na ng gana. Hindi naman kasi kayo e. Wala ka naman pinanghahawakan. Wala namang label.

Tapos, may makikilala ka ulit na bago. Repeat stanza.

Yung kaibigan kong yun, may pamilya na siya. Hindi niya pinagdaanan yung ganyang dating na eksena. Kasi long-term jowa niya yung asawa niya ngayon. At fyi, masaya naman sila today.

Naiimbyerna lang siya kasi hindi niya maintindihan yung konsepto nun. Nagsasayangan lang ng panahon ang mga tao. Exclusive nga pero hindi naman pala kayo. Bakit pa exclusive? At lalo siyang naiimbyerna kapag may nangyari na. Tapos biglang hindi na mag-uusap. What's the point daw.

Dami niyang kuda. Sabi ko na lang...

I never imagined myself to venture in this kind of relationship.