Monday, April 6, 2015

Midnight Talk

oo, literal midnight ngayon at nagsusulat ako kasi may bigla lang akong naalalang linya mula sa movie na That Thing Called Tadhana. kahit pinapapak na ko ng lamok ngayon deadma lang basta gusto ko 'to masulat.

yung eksenang nagtanong si Mace (Angelica Panganiban) kung paano maka-move on, symepre dinamdam ko yun.

M: Paano ba makalimot?
A (JM De Guzman): Pwede kang uminom gabi gabi, pwede kang umiyak gabi gabi, pwede kang makipagdate kung kani-kanino, o pwede kang makahanap ng new love.


New love. Big word.

Yung pag-inom gabi gabi, halos nagawa ko rin yun. Di nga lang literal na gabi-gabi kasi walwal naman yun tsaka ang sakit sa atay nun ah. Mga every after 2  nights naman. chos.

Eto ang literal: yung pag-iyak gabi gabi. Sakit e.

Nakipag-date din ako. Mga more than 1 din yun.

Tapos pwede kang makahanap ng new love.... Eto inaabangan ko!!!! <3

Di naman ako nagmamadali. Pero hindi ko talaga inasahan na totoo pala yung sagot ni Anthony. Na effective pala yun para makalimot. Tsaka yung sinabi niya na wala naman sa tagal yun; kung hindi ka na niya mahal, hindi na talaga. Kahit hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit talaga kami naghiwalay, pinatawad ko na siya kahit walang sorry. Ganun talaga e. Pero no regrets ako. True, nakakapanghinayang pero may mga tao talaga na darating sa buhay natin para lang magturo ng lesson at talagang dadaan lang sa buhay--kumbaga pansamantalang kaligayahan lang.

Basta abangers lang ako dun sa isa pang way na sinabi ni Anthony para makalimot!!! <3

Sunday, April 5, 2015

Batis Aramin 2015

Spent Maundy Thursday-Black Saturday in Batis Aramin---a resort walking distance from Kamay ni Jesus in Lucban, Quezon.








buti pa ang bridge, may lambingan, hahaha chozz








prusisyon sa bayan ng Lucban


pabili po!!!

madlang people





night life sa bayan!

jump shot! haba ng hair ko chozzz.

medyo kinda tinamad ako magsulat today. but overall, i feel rested. :) after all the stressssssss, the OTs, the depression, and everything else....finally nakapag-unwind na rin with family :) and dahil summer na, which is my favorite season aside from Christmas, nakapag swimming na!!! more more swimming pa sana kahit di naman ako marunong mag swimming. hahaha!

Here's to more out of town this summer of 2015!!
And to a more fruitful life. Naks ano daw? :)