Saturday, January 31, 2015

Ang Kapangyarihan Ng Wika (Liham)

mula sa libro ni Bebang Siy-- It's Raining Mens.

-----------------------------------------

Kinakabahan ako habang ginagawa ang sulat na ito para sa iyo. Hindi ba't sa mga salita nagsisimula ang lahat? Ang pagkilala, ang pag-unawa, ang pag-ibig, maging ang buhay? Gayunpaman, sa salita rin nagsisimula ang pagkawasak, ang katapusan, ang pamamaalam. Ano at pinupuno ko pa rin ng mga salita ang papel na ito?

Tatlong dahilan.

Una, humihingi ako ng tawad. Sa lahat ng kirot na naidulot ko sa iyo, patawad. Nakakalungkot na nagkatagpo tayo sa panahong pinoproblema ko ang aking direksiyon. Marami akong gusto at di gusto. Ito. Iyan. Iyon at marami pang iba. Pero pagpihit naman ng hangin, pumipihit din ang aking isip. Iba na naman ang gusto at di ko gusto. Nadamay ka at nasugatan sa pinakamadugong riot sa buhay ko: ang riot na kinasasangkutan ng kontrabida/goon/kalaban na kung tawagin ay sarili.

Alam kong maraming pagkakataong umasa ka sa happy endings, sa mga posibilidad nating dalawa kung tayo ay magkakasama. Isa sa mga dahilan niyan ay ang mga binitawan kong salita sa iyo. Huwag mo sanang isipin na nang binitawan ko ang mga salitang ito ay may intensyon akong paasahin ka't saktan. Wala, maniwala ka, wala akong intensyong ganyan, pero nangyayari talaga na minsan, hindi nagdudugtong ang realidad at mga salitang binitawan. Kahit ako, dismayadong-dismayado sa sarili. Inihihingi ko ng tawad ito. Sakaling sumugal ka ng libo-libong pag-asa sa ating dalawa, patawad.

Ikalawa, nagpapasalamat ako sa mga ginawa mo para sa akin. Hindi ako sigurado kung ikatutuwa mo nga itong sasabihin ko pero sasabihin ko na rin. Tingin ko'y walang nasayang na sandali sa relasyong ito. Marami akong natuklasan, naunawaan at nadama. At naniniwala akong ganon din ang naranasan mo. Kaya hindi man maganda ang kinahinatnan ng lahat, nananalangin ako na sana mas matingkad sa alaala mo ang tuwang naibigay ng relasyong namagitan sa atin. It was really extraordinary, aminin mo man o hindi. Kahit ako na mas marami nang relasyong pinagdaanan ay hindi pa nakakaranas nito. Kaya muli, salamat. Salamat.

Ikatlo, magpapaalam ako. Hindi ko alam kung pagkabasa ng sulat na ito, gugustuhin mo pa akong maging kaibigan o kahit man lang kausap. Pero sa tingin ko, hindi na mahalagang malaman kung gusto mo pa akong maging kaibigan o kahit man lang kausap. Sa puntong ito at sa ikapapayapa ng kalooban nating dalawa, ang mahalaga na lang ay masabi ng isa sa atin ang salitang paalam.

Tuesday, January 27, 2015

Thanks

Thank you for making me believe that a guy can be loyal and faithful to only one woman.

Thank you for showing me how much you love me -- even with your poker face.

Thank you for letting me into your world.

Thank you for entering my world.

Thank you for being my personal psychologist whenever I'm down.

Thank you for being strict and protective.

Thank you for all the trips we had.

Thank you for all the nights we spent together.

Thank you for all the food trips we had.

Thank you for taking care of me whenever I'm drunk. And whenever I'm sick. 

Thank you for all those times you accompanied me to wherever I go. Whether it was an important errand or just some place I want to go to.

Thank you for being my Valentine for two years.

Thank you for the Christmas and New Year that we had.

Thank you for spending three of my birthdays with me.

Thank you for all the public displays of affection -- it made me super kilig and feel blessed and super loved.

Thank you for all the sundo you made. And hatid.

Thank you for the mornings that we spent waking up together.

Thank you for all the material gifts you gave me--shoes, bags, clothes, etc etc.

Thank you for the second family that I had even for a short period of time. I really enjoyed their company.

Thank you for planning your future with me. Though it hurts that right now, it's all just a plan.

Thank you for making me believe in forever.

There are a lot more things I am thankful for because of you. But I couldn't list everything. Also, I am sorry for everything that made you sad, mad, disappointed, jealous, frustrated, etc.

I just hope it's not too late to let go of all the hatred, all the angst, and all the issues. I hope you won't prove me wrong.

Thursday, January 22, 2015

Hong Kong 2014

We flew to Hong Kong last November of 2014. Spent two days in Hong Kong then traveled by land to ShenZhen, China where we spent overnight.

At the airport....



On our way to our hotel...


very light traffic!

Most of the buildings are actually residential!




For our first day in Hong Kong, we don't have anything on our itinerary so we have the whole day to ourselves! We just explored the area....there was a local market near our hotel, it was like a Greenhills or St. Francis haha! Then there was also a mall nearby but it's also like St. Francis Square. More more tyangge. 






The next day.....

First off: Victoria Harbour


 





Then we went to TSL Jewellery





We also took the boat ride in Aberdeen Harbour. During the boat ride, one part of the harbour is where the Aberdeen Boat Club stays. So.......bonggang bonggang mga yate!



eto na mga yate!!!


then the Jumbo Floating restaurant...


But there's another part of the harbour where you'll see these.... similar to informal settlers in land.



Then the Happiest place on earth....daw. HAHA! Naimbyerna ako ang daming tao ang hirap mag-enjoy!!!








Family Pic with Mickey!!!!!


Right after Disneyland, byahe na agad kami papuntang Shenzhen, China! Hinatid kami ng tour bus namin sa train station then from there, mga 10 stations pa going to China. Mala-Recto-Santolan lang ang peg. China na. hahaha! But of course hindi ganun kadali since may immigration and all pa, more more pila ang eksena bago matatakan ang passport!

We arrived in our hotel around 10-ish pm. Wala pa kaming dinner kasi we left Disneyland by 7pm tapos dire-diretso na yung byahe since ung train ay nakaschedule! Bongga.

We bought dinner na lang sa convenience store nearby...

On our first and only day sa Shenzhen, our first stop: this authentic jade jewellery store. Most of the stores na pinuntahan namin, pinagbebentahan kami ng products nila after ng "tour" sa store nila. Tiba tiba talaga!


Uhm, ngayon ko lang narealize wala pala akong picture sa store na 'to. Bawal pala.


But I took a picture of their toilet!! Eto yung tinatawag na "Kung Fu toilet". Gets?!? Mapapa-squat ka ala-kung fu kung wiwiwi ka at number 2!!


Next stop is: WOW (Wonders of the World), Parang miniature version ng mga wonders of the world. Although hindi kasama sa package namin ang entrance fee kaya nasa labas lang kami. Pero from there nakita naman namin yung Eiffel Tower, Columns, Pyramid, etc. Mas bongga kung makakapasok pero mahal! Next time na lang! hahaha!


May picture na po ako sa Eiffel tower hihihihi

Then we tried this short/cute train ride along the area lang naman. So parang ung vicinity ng WOW and Happy Valley ma-sa-sight niyo...






Then we had lunch here... Also our final stop for the day. Agad agad.

We left China and went straight ahead to immigration going back to Hong Kong. We were picked up by our tour bus and traveled around an hour going to the airport. Susme! Nasa airport na kami ng mga 3pm then ang flight namin 10pm pa. Kaloka!! Well kasi yung iba namin kasamahan 5pm ang flight kaya early bird ang peg.

Anyway, that's it for our Hong Kong - Shenzhen trip! Maybe next time if given the opportunity I would like to explore more of Hong Kong, particularly dun sa area na famous for their shopping! Hihihihi