Bawat patak ng pawis ay may isang aray--isang matinding aray--na puno ng pagmamahal ng dalawang nag-iibigan na nagkukubli sa dilim sa pagkakaisa ng kanilang katawan.
Si lalaki, dakilang mangingirog, naglakbay mula sa tuktok ng kalangitan hanggang marating ang nag-aalab na impyerno.
Dumaan sa dalawang bundok na tila isang birheng maria sa pagkakinis. Nagpaka-sasa sa tuktok habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa itaas; at sa ibaba. Gumapang sa madulas nitong lupa habang tila nag-iinit ang nasa loob nito.
Bumaba sa isang malungkot at mainit na kapatagan--isang kapatagan na naghihintay ng tutuntong at magbibigay-buhay sa kanya. Nilakad ni lalaki paikut-ikot hanggang sa mag-init na nang tuluyan ang lupa at ito'y magbitak-bitak.
Nahati ang lupa at nalaglag si lalaki sa isang gubat. Isang makapal na gubat. Tinahak ni lalaki ang daan palabas, ngunit anong saya niya nang marating ang looban. Isang kweba na ubod ng dilim ang kanyang natagpuan at patuloy na nilakbay hanggang matanaw sa di-kalayuan ang isang liwanag na magdadala sa kanya sa impyernong itinuturing niyang langit. Pumasok pa nang husto at aba! Anong ligaya niya nang mag-alab siya sa sobrang init sa loob.
Si babae? Anong nangyari sa kanya? Nasaan siya nung naglalakbay si lalaki? Hindi ba niya hinanap ang mahal niya? Hindi man lang ba siya nag-alala?
Bawat patak ng pawis ay may kasabay na luha dulot ng sakit at hapdi ng pagkakaisa ng dalawang katawang nagtatago sa dilim sa paghahanap ng tunay na kaligayahan. At tunay na kahulugan ng pagmamahal.
Hayun si babae nagpapa-suso ng bata.