some good things really do come to an end.
this night... baccalaureate mass.... sums up everything i [we] experienced in the 4 years of stay in UST. finally, graduating na. feel na feel ko na talaga! nakakaiyak....choz! huhuhu
ang dami kong mamimiss. ang dami kong natutunan habang ako ay isang Tomasino---sa loob at labas man ng institusyong ito. nakakilala ng mga taong iba-iba man ang personalidad, nakakapagtakang nakabuo kami ng isang matibay na pundasyon ng pagkakaibigan na alam kong maaasahan ko ilang taon man ang lumipas.
marami man ang nasayang na mga papel kaka-print at photocopy, hindi ko pa rin malilimutan ang buhay Tomasino--buhay Sikolohiya. ang dami mang gastos, mula tuition at miscellaneous fee, at kung anu-ano pang mga fees (i.e, food trips, school supplies fee, food trips ulit, etc), hindi pa rin ako magsisisi kahit kailan na sa UST ako nag-aral. kahit naranasan ko sa unang taon ko sa kolehiyo ang bangis ni Ondoy, lalo lang akong nagiging proud na isa akong Tomasino. mahirap man ang byahe papasok at pauwi, kiber! masarap talagang maging Tomasino. sulit lahat ng pagod, pawis, puyat, pagpayat at pagtaba (although more on pagtaba hehehehe).
yung mga guro na higit pa sa kung anuman ang matatagpuan sa libro ang tinuro nila.... kasi nagbabahagi din sila ng mga aralin mula sa tunay na buhay, kakaiba. nakakatawang isipin na kahit may mangilan-ngilan na guro na nakakasayang ng tuition, sulit pa rin naman ang apat na taon ko sa UST dahil sa lahat ng mga karanasan ko---masaya, malungkot, nakakainis, nakakainit ulo, nakakakaba, nakakastress, nakakaiyak, nakakaoverwhelm, nakakapagpa-OMG etc etc.
sa mga kapwa ko magtatapos ngayong 2013, congrats sa atin!!
sa mga magtatapos sa susunod pang mga taon, mag-aral mabuti!!!
sa mga papasok pa lang sa UST, mag-aral mabuti!! hahahaha
with sir paul dimar. kahit di namin sya naging prof, gullible sya hahaha ansabe ng gullible!!!
di magkanda-ugaga sa picture picture-an!!
doc edgieeee
eh yung kinuha talaga ni Julia yung tarp ng Science-Psychology para makapag picture hahahaha
freshness ang peg nitong si Maan.
that light <3
yes, nagsulatan talaga kami sa mga uniforms. lampake sa warning na bawal daw
HOOOOYY ANG MATA
anong petsa naaaaa tagal namin lumabas sa arko wawawiiiiii
eto na palabas naaaaaaa
yun oh!! nakalabas din!! gagraduate na talaga kami!!!
at syempre, di patatalo ang fireworks ng ust!
eerrr di koma-link dito yung youtube video niya aywan ko ba! eto vimeo link na lang :)
http://vimeo.com/62213387