sumocial life lang ako this saturday night at naki-uso sa The Dark Knight Rises was awesome, DKR was amaziiiing, Watched Dark Knight Rises will not spoil, at kung ano-ano pa mang tweets na pinag-mukhang super duper awesome ng The Dark Knight Rises. infairness, BONGGA nga! so watch na rin kayo! :)
babala lang: may kahabaan ang pelikula so umihi na bago magsimula ang movie at kung gusto niyo ngumuya, bahala kayo sa trip niyo basta ako napagod ako kakanguya ng higit sa dalawang oras. :))))
any... di ako gagawa ng movie review sa post na ito dahil di ko naman trip gumawa ng ganun. haha! gusto ko lang i-share ang natatangi kong pictures sa gabing ito na kinuhanan ko sa City Buffet Restaurant sa robinsons galleria. maraming salamat sa kasama ko para sa dinner na busog lusog! :)
City Buffet Restaurant--eat-all-you-can resto. Located siya sa dating Timezone ata. haha! basta yung sa side ng Jamaican Patties na katabi ng Greenwich sa Level 4. :) wala ako alam masyado sa retso na to kaya di ko siya mapo-promote. hahaha! pero infair naman, nabusog naman ako at masarap naman siya. di ko lang talaga bet yung mga japanese chuva eklavu. :))
1st plate(counterclockwise from the pasta): tuna pasta penne whatever you call that, calderetang baka, pancit canton, japanese egg, roast(?) chicken, battered (?) shrimp, fish fillet with lemon sauce (center)
masarap yung pancit canton, ung fish fillet nakakaloka ang sarap sarap niya swear! yung japanese egg....medyo malapit lapit yung lasa niya sa filipino egg :)) yung caldereta...pinoy na pinoy :) yung pasta....pang diabetic ata. hahahaha medyo bland yung panlasa ko sa kanya o baka naman ganun talaga siya. yung chicken yummy kasi matamis-tamis. yung shrimp ay susko heaven din yun!
2nd plate (clockwise from pizza): hawaiian pizza, tofu eklavu, yaki udon (mala-pancit canton), sweet and sour pork, japanese grilled crab, pinoy sisig, fish fillet, maki or sushi or whatever you call it
pansin niyo bang inulit ko ang fish fillet with lemon sauce? KKLK sa sarap te! siguro dahil sa lemon sauce pero grabe talaga ang sarap. hahahah! yung pizza infairness hindi siya parang karton sa kunat or siguro bagong luto kasi siya nyan :)) yung tofu....sobrang lambot. yung yaki udon keri lang, mas bet ko pa rin nissin yakisoba (KONEK?!) yung sweet and sour pork...lasang tipikal lang. yung japanese grilled crab infainess lasang crab nga na may parang sweet sauce. yung sisig super duper crunchy ng chicharon niya ha. yung maki/sushi, di ko alam tawag dyan pero ang laman niya ay apple and mango(?) tas may carrot and something green. nkakaloka di ko bet talaga ang japanese chorva may kakaiba sa lasa niya na di ko ma-describe/explain kaya gowra na ko sa next plate!
3rd plate: dessert! clockwise from the glassed one: blueberry cheesecake, cake (di ko alam flavor basta kamag-anak ng chocolate), fruit tart (kiwi), salad (di ko alam kung anong salad nito pagkat napakaraming klase ng salad sa salad section, kumuha lang ako basta) hahahaha
grabe eto talagang dessert ang pinaka bet ko. dito ako nag-fail :| busog na busog na busog na ako kaya di ko na napuno yung plate ko dito :(
sana sa susunod na maka-experience ako ng eat-all-you-can, mapaghandaan ko na ang labanan. sana makaabot ako sa dessert....yung tipong mapuno ko pa ung pinggan ko ng dessert or maka-take 2 ako. haaay heaven. HAHAHAHA grabeeee food overload pero enjoy naman! :)
sa susunod na social life-ing! :)